Wednesday, January 28, 2009

Sa Tamis ng 'Oo' o Pait ng 'Hindi' (SR Referendum reaction)

Kung tatanungin ako, bilang isang kapwa estudyante, hindi ako ganoong nasiyahan sa pakikinig sa unang bahagi. Kinakailangan sa una palang, dapat naging klaro na kung ano ba talaga ang pagbobotohan ng mga estudyante. Ngunit, nagsayang pa sila ng oras na pag-usapan ang mga iba't ibang krisis na kinakaharap ng Pilipinas ngayon.

Oo, malaki ang papel ng student regeant sa mga krisis ng 'Pinas. One word of advice: Hindi maeenganyo ang mga mag-aaral na bumoto kung iyan ang 'game plan' natin. Unang una, hindi lahat ng estudyante may alam... o di kaya'y may pakialam kung ano ang kahihinatnan ng student regeant. (Syempre dapat kaming makialam, pero dahil di naman lubusang naunawaan, paano pa?) Kinakailangan mahatid ang halaga ng boto ng bawat isa sa bawat mag-aaral ng UP. Pero sa bandang huli lang nagkaroon ng klaripikasyon tungkol sa pinagbobotohan natin. (Pagkatapos magsalita si Kuya Bodjit... masasabing isang leftist, na pinaliwanag kung bakit di dapat bumoto ng 'Oo'). Isa pa, hindi lahat ng klase ng bawat mag-aaral ay ni-require sila na umattend dito. Paano yung mga umalis, bago linawin ng ating student regeant yung tunay na isyu?

Mga organizers: Piliin ninyo ng mabuti ang mga paksang isasama ninyo sa pagkukumbinse sa student body ukol sa referendum. Narinig na naman ang mga 'usual' na modus operandi at di kami madaling makumbinse nino man, kahit na siya'y isang aktibista, guro, o kapwa estudyante. Ayaw na ayaw namin na umiikot lamang ng umiikot ang pinag-uusapan, ngunit hindi tinamaan ang pinaka-punto ng diskusyon. Buti nalang klinaro ni Student Regeant kung bakit dapat bumoto ng Oo, kundi, ako rin boboto sana ng 'Hindi'

Hay. Yes o No ba talaga? Office of the Student Regeant, ito na ang huling linggo, ngunit madami pa kayong kailangang gawin. Patnubayan nawa kayo ng Panginoon at sana'y maging pabor sa mga estudyante ang paghahantungan ng lahat

Tuesday, January 20, 2009

Ang mga Bayani na Di Atin

Kaninang mga ala-una ng umaga, nangyari ang inaugural address ni Barack Obama, ang unang African-American na pangulo ng Estados Unidos. Masasabi na marami ang humahanga sa kanya, at tumitingin sa kanya para tulungan sila sa kanilang mga sari-sariling problema. Siyempre kasama ang Pilipinas sa listahan ng umaasa na matulungan sila.

Ngunit, huwag tayong aasa na tayo'y tutulungan. Hindi naman ako nag-aalinlangan na di tama ang desisyon ng mga kano na gawin siyang presidente. Sa totoo nga, hangang-hanga ako sa kanya. Pero siya ay ang pangulo ng ESTADOS UNIDOS. HINDI SIYA ANG PANGULO NG PILIPINAS (wish lang ng iba).

1. Madaming mga problema na hinaharap ngayon ang Estados Unidos (ehem.... recession.. ehem... Israel-Palestine conflict... ehem.... Afghanistan.... ehem... Assassination attempts) ANG DAMI TALAGA. Hindi magiging prayoridad na tumulong sa mga kawawa at tamad na Pinoy.

2. Sabi niya sa kanyang inaugural address, 'for those leaders who use corruption and power... you are on the WRONG side of HISTORY!' Paano na ang Pilipinas? Eh si Madam ba naman, nababalutan ng intriga (ehem... impeachment.. ehem... cha-cha.... ehem... hello garci... ehem... ALABANG BOYS). Sabi ni Obama tutulong lang siya kung magpapakumbaba ang ating commander-in-chief. Ay punyeta na! Mas mabuti pang magpatiwakal na ang mga umaasa parin hanggang ngayon.

3. Kung sakaling may panahon pa na tumulong ang Estados Unidos, hindi tayo karapat-dapat! Mahirap nga ang 'Pinas! Ngunit mas may hihirap pa sa atin! Lets face it: HINDI TAYO PALAGI ANG KAWAWA. HINDI TAYO PALAGI ANG BIDA. GET REAL!!!!


Kaya kay Pangulong Barack Obama, may God help you. Para sa mga kapwa ko Pilipino, gising na! Kumilos at huwag maghintay sa tagapagligtas! Tayo lang ang makakatulong sa ating sarili!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!